RIP Crush

Sa crush ko dati, salamat at hindi naging tayo
Nagsimula sa biro, sa halakhakan, di nagtagal naging totoo
Pero okay na din na hindi naging tayo, dahil ngayon malapit ng maging mapayapa ang puso ko
Tinitignan ka sa malayo, nagmamasaid sa mga kilos mo

Mata ko ay nagnining sa tuwing ika’y napapadaan
Pero lahat ng iyan ay iiwan nalang sa nakaraan
Isinulat ko ang tula para magpaalam sayo at sa aking mga nararamdaman
Napagtanto na di tayo magkabagay, kaibigan kita subalit hindi pwedeng maging magkaibigan
Magkasundo pero hindi kailanman magiging tayo dahil hindi ko pala hangad na gustuhin mo ako ng sapilitan, sa paraang gusto ko

Hindi nga pala ikaw yung inakala kong ikaw
Nabulag sa larawan na ipininta sa aking isipan
Salamat at hindi naging tayo, baka buhay nating dalawa ay nagkagulo

Hindi magtugma ang mga diwa, hindi pala kita lubusang kilala
Buti nalang hindi ako sumubok, buti nalang itinaas ang puting bandera
Hindi ko pala kayang hawakan ang iyong kamay ng pansamantala lang
Hindi ko pala kayang magmahal na alam kong hindi maibabalik, hindi ko pala kayang malaman na ang pag ibig ay walang kapalit
Pero patawad dahil hangad ko ang magmahal at ako ay mahalin din.

Hindi pa man nagsimula ay iiwas nalang, hindi na hahayaan na ako ay masaktan pa
Masaya man sa tuwing nakikita ka, ako ay magtitiis na lang
Lahat ng ito ay lilipas din, kumirot man saglit ay maghihilom, kinakailangan lang na palipasin ang panahon

Kaya sa crush ko dati, hangad ko na ikaw ay maging masaya din
HIndi man sa akin pilig, sa ibang bisig ka man humimbing.

 

by Jay Makata  and Lyra Cerveza LOL

Advertisements

Hindi Okay Ang Okay Lang Iyan (C)

Itutulog ko nalang bulong ko sa aking lasing na kaibigan
Magluluksa mag isa sa kadiliman
Ipipikit ang mga mata ngunit nakikita pa din ang iyong mukha
Isasara ang kaisipan subalit ikaw pa din ang laman ng panaginip
Masisiraan ng bait buhat ng iyong binuksan ang pinto palabas ng aking puso
Gusto ko man pigilan pero wala akong magawa dahil desidido ka na
Malayo ang tinatanaw, gusto mo na ba talagang bumitaw?

Sampung hakbang palayo sa iyo, isang daang hakbang palayo sa akin
Landas ng paghihiwalay ang gusto mong tahakin
Binalewala ang mundong binuo ng magkasama, pader man ay pwedeng magiba
Kaya mahal, hindi ko pa din matanggap na ang piling ko ay nilisan na
Tanging alaala na lang ang iyong iniwan na hindi kailanman mabubura

Bukas paggising, hindi na ang iyong tinig ang unang maririnig, hindi na ang iyong mukha ang unang masisilayan
Hindi na ikaw ang kayakap kung hindi ang unan at kumot na balot ng hinagpis ng iyong pagkawala
Hindi maiwawaglit ang pangungulila, sanay ako na ikaw ang kasama sa hirap at ginhawa
Subalit lubusan ng nagbago ang iniukit na hinaharap sana
Pagsasama natin ay tinuldukan na ng tadhana.

Hindi Okay Ang Okay Lang Iyan (B)

Kaya mo yan sabi ng kaibigan kong lasing, salamat sa pagdamay sa akin kahit magdamag na tayong gising
Pero di ko pa kaya sa ngayon dahil parang may patalim sa aking dibdib, walang dugo, Walang sugat na makikita ng mata pero malamim ang sakit, hapdi, idinadaan sa ngiti Subalit unti unting namamatay ang puso kong nalulumbay
Mula nang ika’y nagpaalam ng biglaan, bumitaw sa akin at sa iyo.

Matatapos din yan pero hindi natatapos ang pagtulo ng luha, natutuyo na mga mata
Pero hindi ang agos ng aking mga nararamdaman sa iyo
Walang gabi na hindi ka sumagi sa isipan, patawad ngunit hindi ko kayang pigilan pa
Puso kong sadlak sa sakit, naguumapaw ang kasawian
Gusto ko na itigil ang kahibangan ngunit sa pagsapit ng dilim ikaw pa din ang hinahanap-hanap

Hindi dapat iniiyakan yan sabi ni tropa ngunit naranasan mo na bang umibig ang tanong ko sa kanya
Ang panghihinayang, ang mga katanungan na wala pang kasagutan,
Ang mga pangarap na aabutin sana ng magkasama
Lahat ng tala na susungkitin, nawalan ng ningnig sa isang kisapmata
Nalunod na pagmamahalan sa mga dagat na sana ay lalanguyin
Naligaw sa mga bundok na tatawirin sana, Mga mabubulaklak na salita na napalitan na ng katahimikan
Kaya kung ako ay lumuha man, patawad na lamang
Walang panyo o mga salita na makakapagpahinahon sa puso kong nakakulong sa kalungkutan…

Hindi Okay Ang Okay Lang Iyan (A)

Kaya mo yan, lilipas din ang sakit, kay lang yan, matatapos din
Sabi sa akin ng kaibigan kong lasing sa alak, ako naman ay lango sa sakin.. sakin mula sa iyong paglisan

Sakit, pait, luha, lunod ang aking unan, bingi as musika ng pagtangis
Ilang araw pa, ilang buwan pa ang gugugulin para lang maibsan itong bigat na aking nararamdaman
Sampal sa akin ang salitang okay lang iyan dahil kahit kailan, hindi okay ang masaktan, hindi okay ang maiwan

Ako, na nagmahal ng lubusan, ilang taong umibig, ilang taong umasa, nangarap na makasama ka sa habang buhay
Minahal ka ng buong puso at kaluluwa
Inilaan sayo ang oras at panahon, sa lahat ng pagkakataon
Mahigpit na kumapit anuman ang sumapit sa atin
Niyakap ka sa init at lamig, ipinaglaban ka araw at gabi ngunit bakit? bakit parang kulang pa ang inialay sa iyo?
Kaya kung sasabihan ako ng okay lang yan, sana huwag nalang…
Kasi kahit kailan, hindi okay ang makaramdam ka na parang di ka sapat.