Ang Nag-iisang Tanong Na Bakit

Kay sarap umibig
Ngunit tunay ding kay pait
Pilit na inaangkin
Ikaw na kailanmay di magiging akin
Pagkat duon nakaukit
Sa puso mo laging bitbit
Nais ko na lamang ipikit
Mga mata pagkat tunay na kay sakit

Ang siyang mong tinatangi
Lagi mong minimithi
Laman ng bawat mong himig
Sarap sa bawat mong titig

Hayaan mo..
Ngingiti ako at pipilitin ko
Tanggap ko kahit paano
Ang prinsesa mo..
Ay siya talaga at di ako

Ngiti moy para sa kanya
Bulalas ng pusong sumisinta
Ni di kayang silayan ang liwanag nang di ikaw ang kasama
Ikaw rin ang bilang ng bawat kong hinga

Bakit nga ba nabihag ito?
Tanging buhay ay ang tinig mo
Akoy mandrigmang walang lakas
Sapagkat puso aking armas

Bawat patak iginuguhit
at sa puso’y umuukit
Animo’y tintang sinulat nang paulit-ulit
Nais ay mapawi kahit na isang saglit
Subalit hindi magawa kahit na anong pilit
Puno na ang papel liriko’y di na kaya pang isingit
Nalilito sa mga bulong nawawalan ng bait
Sa palaisipan at laging sinasambit
Ko sa hangin ang nag-iisang tanong na bakit?

Ngunit tangi kong dasal
Isang bulong sa Diyos aking iuusal
Araw ay lulubog at lilitaw
Uulan..aaraw..Taon ay papanaw
Ngunit di ang pagsinta
Sanay iyong makita
At yakap mo ay madarama
Ako ang iyong kasama
Akin ang pagibig mong wagas
Magkita tayo sa ating bukas.

Ikinatha ni Arra Mendez

2 thoughts on “Ang Nag-iisang Tanong Na Bakit

Leave a comment